Natatanging AMA

"Natatanging Ama ng Puerto Rivas Itaas "

2015

 

FEDERICO ESCALADA ROBLES


NATATANGING AMA NG BARANGAY PUERTO RIVAS ITAAS.

       SADYANG MAPALAD ANG MAPAGKALOOBAN NG PARANGAL. MARAMI ANG NAGHAHANGAD SUBALIT IILAN ANG TUMATANGGAP, AT ISA NA DITO ANG AMING NAMUMUKOD TANGING AMA NG BARANGAY PUERTO  RIVAS ITAAS, BALANGA CITY, BATAAN.

       IPINANGANAK SIYA NOONG IKA-25 NG PEBRERO, 1946. PANG-APAT SIYA  SA ANIM  NA ANAK  NINA G. BENJAMIN B. ROBLES,  AT GNG. CORAZON ESCALADA.

       NAGTAPOS SIYA NG ELEMENTARYA SA MAXIMINO DELOS REYES MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL, SEKONDARYA SA TOMAS DEL ROSARIO ACADEMY, AT NG SIYA AY MAKATAPOS NG HIGH SCHOOL, NAG-ARAL SIYA NG TWO YEAR TECHNICAL COURSE NG WELDING SA BATAAN NATIONAL SCHOOL OF ARTS TRADE.

NAGTRABAHO SIYA BILANG WELDER SA SUBIC NAVAL BASE SA LOOB NG APAT NA TAON.

    TAONG , 1986 NG SIYA AY IKASAL SA KANYANG MAYBAHAY NA SI  EMMA MENDOZA ROBLES,   NA TUBONG LEGASPI, ALBAY.

 SA KANILANG MAAYOS AT MASAYANG PAGSASAMA, AY PINAGKALOOBAN SILA NG  DALAWANG (2) ANAK NA ISANG LALAKE,  AT ISANG BABAE.

 

 

NAGTRABAHO DIN SIYA SA  NATIONAL POWER CORPORATION, SA LIMAY BATAAN,   SA LOOB NG DALAWAMPUT ANIM NA TAON, AT DOON NA SIYA INABOT NG PAGRERETIRO SA KANYANG TRABAHO.

 DAHIL SA KANYANG TIYAGA AY NAPAGTAPOS NYA ANG KANYANG MGA ANAK NA SINA:

1.  JANET:  NAGTAPOS NG BANKING AND FINANCE SA TOMAS DEL ROSARIO COLLEGE, AT SA KASALUKUYAN SIYA AY GOVERNMENT EMPLOYEE SA BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY.

2. JOEL  :  NAGTAPOS BILANG MECHANICAL ENGINEER SA BATAAN HEROES MEMORIAL COLLEGE, AT NAGTATRABAHO BILANG PIPING FOREMAN,  AT NAKABASE SA MANILA EEI INCORPORATED OFFICE.

 

ANG AMING NATATANGING AMA  DIN PO SA KASALUKUYAN AY NAGLILINGKOD BILANG PRESIDENTE  NG LUPONG TAGAPAMAYAPA SA AMING BARANGAY.

MGA KAIBIGAN, MGA PANAUHIN AT MGA MANONOOD, BUONG PAGMAMALAKI KO PONG IPINAKIKILALA ANG NAMUMUKOD TANGING AMA NG BARANGAY PUERTO RIVAS ITAAS…….. WALANG IBA KUNDI SI G. FEDERICO ESCALADA ROBLES. 

Comments