History of Puerto Rivas Itaas

    Paano naging Puerto Rivas ang isang barangay ng Balanga na dating tinaguriang Ibayong Malaki o Dagat?

        Bago pa man dumating ang mga Kastila, ang tawag sa lugar na ito ay Ibayong Malaki. Dahil malaki ang nasasakupan nito. Ibayong Munti naman ang taguri sa islang kaugnay nito na ngayon ay Tortugas dahil maliit na lugar ang sinasakop nito. Sa pagitan ng Ibayong Malaki at Ibayong Maliit ay isang ilog.

        Palasak ang tawag na Ibayong Munti ng mga taong naninirahan sa nayong ito. Ngunit paa sa mga taga-Balanga at mga karatig pook higat na kilala ito sa tawag na Dagat dahil sa malapit ito sa ating likas na yaman – ang karagatan. Ang karaniwang tawag sa mga naninirahan ditto lalo na ng mga matatanda sa Balanga ay taga-Ragat, mula sa pinagkukunan ng kabuhayan ------ ang pangingisda sa Ragat.

        Nahati sa dalawang bahagi ang Ibayong Malaki o Dagat. Ito ay ang Itaas na ang sakop ay mula sa hangganan ng Talisay hanggang sa simbahan ng Katoliko Romano. Ang ikalawang bahagi naman ay tinatawag na Ibaba, mula sa simbahang Katoliko Romano pababa sa dalampasigan ng dagat.

      Isang paring kastila sa katauhan ni Pedro Benito Rivas ang nalipat mula sa Ibayong Munti o Pulo ng Tortugas at nataasang magpalaganap ng Kristyanismo sa Ibayong Malaki o Dagat. Ayon sa Sali’t – saling lahi ng matatanda na nakadaupang palad ng paring nabanggit, Si Padre Rivas ay nakagiliwan at napamahal sya sa mga taga-Ragat. Naging matagal din ang pamamalagi ng pari sa lugar na malapit sa simbahan ng Aglipay habang ginagawa ang simbahang Katoliko sa ilalim ng kanyang pangangasiwa. Noong humina sya dala ng katandaan, si padre Rivas ay nalipat sa Poblacion ng Balanga na kung saan sya inabot ng kamatayan.

        Gumawa ang pamahalaang Kastila upang maging maliwanag ang sakop at magkaroon ng isang pangalan ang tinatawag sa Ibayong Malaki o Dagat. Tinawag itong Puerto Rivas – ang salitang Peurto dahil ang nayon ay nasa bukana ng dagat at Rivas para sa alaala ni Padre Benito Rivas na napamahal sa mga mamamayang naninirahan dito. Kung lilimiin ang kahulugan, bukanang (Puerto) papuntang dagat na pinaglilingkuran at kinalatan ng Kristyanosmo ni Padre Benito Rivas. Ito ay opisyal na pinangalanang PUERTO RIVAS ng pamahalaang Kastila, noong taong 1800. Hanggang sa ngayon kilala ito na PUERTO RIVAS, ang barangay na matatagpuan sa silangang bahagi ng Lungsod ng Balanga.



Mga Naglingkod na Punong Barangay :

Hon. Jose N. Gonzales 1941(PREWAR)

Hon. Alfredo T. Dizon Sr. (1946 – 1960)

Hon. Nicanor G. Paguio (1960 – 1964)

Hon. Armando Y. Baluyot (1964 – 1967)

Hon. Rogelio C. Diversor (1967 – 1971)

Hon. Eliseo J. Sevilla Sr. (1971 – 1981)

Hon. Rolando H. David (1981 – 1986)

Hon. Francisca T. Acapulco (1986 – 1988)

Hon. Virgilio T. Cruz (1988 – 1993)

Hon. Edwardo p. Tapan (1993 – 1997)

Hon. Jimmy T. Gonzales (2002 – 2013)


Comments